MISS CORONA 2019

corona 2

PAUNA: Ang entry na inyong matutunghayan ay hango sa naging usapan namin ng isang kaibigang may malaking problema!

Jojo: Father Rhett (aka Bluguy) , kumusta ka na? Nasundan mo ba kahapon FB live ng Saranggola Blog Awards? Ang galing naman ni Blue Umali. Biruin mo mula ng simulan ito noong 2009, malayo na rin ang nilakbay nito. Nag-evolve na talaga sya.

Ako: Oo naman, bigla nga kitang naalala. Kung wala lang ECQ, sana me meet-up tayo sa Maynila.

Jojo: Oo nga eh. Naglitanya na sya ng mga kaganapan at mga anik-anik patungkol sa Corona pandemic na ito.

(Kesyo, stay at work at home mode sya for three weeks now. Walang social life at bakasyon abroad). At pagkatapos ng 30 minutes na monologue….

Jojo (ulit): Kakainis nga eh…hindi na yata matutuloy ang Miss Philippines Universe. Sayang naman, kandidata pa naman ang beshy ko.

Ako: Malay mo baka matuloy rin yan.

Madami pa kaming pinag-usapan tungkol sa buhay-buhay, plans in the future at saka mga latest trending sa tweeter (wala po kasi akong tweeter!).

Matapos ng isang araw nang aming pag-uusap, naisipan kong bisitahin ang blog ko dito at  trying to awakened my wildest imagination, sinubukan kong magsulat muli. Kung walang Miss Philippines Universe, baka pwedeng magkaroon ng Miss  Corona 2019.

____________________________________________________________________________________________

Merong patimpalak ang nagsimula pa noong 2019, pero hanggang ngayon hindi alam kung sino ang kokoronahan. Isa syang patimpalak na nagsimula sa bansang Tsina, pero kalaunan maraming sumali, ika nga naging pandemic ang kompetisyon. Maraming sumali mula Europa, America, Asia, Oceania at pati ang Africa at hindi lang iisa ang pinadalang kandidata, maramihan, ika nga, mas marami mas sikat ang bansa.

Ang WHO, mga eksperto sa epedemya, politiko, world analysts, strategists, economists, mga tanyag na artista: iilan lamang sila mga piling-pili na mga hurado. Araw-araw merong  updates sa mga kaganapan ng patimpalak na ito. Mind you, sa lahat ng wika ginagawa ang mga press conferences, minu-minuto, walang sablay.

Inilatag na ng mga organizers ang batayan ng paghuhusga sa bawat kandidata. Dalawa ang kategorya ng  mga tatanghaling Miss Corona 2019:

  1. Para sa mga Miss Corona Frontliners 2019:
  • Maayos at tamang pagsusuot ng PPE’s.
  • Tamang social distancing
  • Araw-araw na pagrereport sa mga daily activities sa ward, operating rooms, etc
  • Self-quarantine ng 14 days kung kailangan
  • Walang uwian sa bahay hanggang dumadaloy ang pakontes
  • Handang madiscriminate

2. Para sa mga Miss Corona Stay at Home 2019

  • Stay at home at all times, lalabas lang kung bibili ng essentials
  • Suot ang quarantine pass paglalabas
  • Tamang social distancing.
  • Manood ng Netflix at mga re-runs na programa ng mga tv stations
  • Nakamask sa labas ng bahay at lalo na sa loob para maiwasan ang over-eating
  • Handa lagi pag kumahol ang aso, para  kunin ang relief good sa labas ng gate
  • Mag tik-tok 10 beses sa isang araw
  • Ilathala ang OOTD at mga bagong recipe na niluluto araw-araw sa FB, Instagram, etc.
  • Participate lagi sa lahat ng pakontes sa FB
  • Gumamit ng at least 100 applications in a week
  • Mag-aral gumawa ng masks
  • Manood ng Wowowin, malay mo manalo ng PhP10,000.00

Para sa mga future updates at araw ng grand coronation, hintayin lamang ang abiso sa mga social media forums at sa mga himpilan ng telebisyon at radio.

Conclusion: Sa haba ng duration ng pakontes na ito, baka kokoronahan ang magwawagi a year from now 2021 (2022 , 2023 o baka 2026 pa).

 

 

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Homecoming 2019

After finishing my service in the General council for 12 years, it is time to say my goodbyes to wonderful years of leadership work and traveling to the five continents of this wonderful world. Meeting people and learning new cultures, seeing new places. What a wonderful life it has been. Journeying with ups and downs of life. I could still hear the laughters and feel the tears I shed. Life indeed, is a roller coaster ride, but indeed full of surprises from my God. Never felt abandoned and alone all throughout these long and tedious journey. But the journey continues and I’m ready for this new ride towards an unforeseen future.

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Kumusta?

IMG_0664-0.JPGAng tagal na ah? Kumusta na? Wala lang, matagal na kasi kitang di nadalaw.

Sana okay ka pa. Ang tagal nang nilakbay ng panahon.

Kumusta kaibigan!

Nai-post sa Uncategorized | 1 Puna

Hello Po!

baby blu

Hello po!

Anybody home?

Bakit walang naka-online?

Hmmm… teka! teka!

Waahhh…anong oras na?

Saan na kayo mga friends, kaberks, ka-blog?

kape muna…hmm…

so strange?…wala ni isa?

alas tres ng umaga…ang aga ko palang nagising!

teka…teka lang ha!

November 21…tama ang petsa ….sa makalawa aattend ako ng birthday ni Blujay..

tik…tik…tik….type pa more hahaha…

alas singko y media….

Ringgggg! alarm clock ko yata yun…

biglang napatingin sa kalendaryo ..

November 21, 2500!

 

 

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

baby blu

bluguy

babypssst…pssst….pssst…kuya…..kuya…ha…., ako ba? ….oo, ikaw di ba………. ikaw si kuya Blu….oo ako nga. Wow! ano naman ang name mo …..baby Blu po. …..Ha….Blu din ang pangalan mo. Opo…baby Blu…eh anong ginagawa mo dyan…ah….hinihintay ko po nanay ko….saan siya nagpunta? ..bakit naman iniwan ka nyang nag-iisa dyan? doon po sa kwartong iyon…..kasama po tatay ko…..ah….o sige pero wag kang malikot dyan ha, baka ka mahulog…ang hirap kaya gumawa ulit ng baby.

masarap ba ang buhay sa labas? ….OO naman…..tanda ko nga noong kasingliit mo pa ako…parati akong karga-karga ng nanay ko at saka kinakantahan pa nya ako para lang makatulog….at saka paggutom ako… iiyak lang ako….tapos ang tatay ko bibigyan ako ng dede. Ay oo nga pala, noong mag one-year old na ako…..sabi ng tatay….malaki daw ang handaan sa amin, ewan ko di ko naman matandaan, kasi nga bata pa ako ng mga panahong iyon…walang muwang ba…..pero noong isang araw pinakita…

View original post 569 more words

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Isang minuto

Madalian lang ito.
Walang panahon eh.
Sayang sana matagal pa ang magdamag.
Kahit sana ilang saglit pa.
Buntong-hininga! Huh!
Bukang-liwayway.
Hudyat na naman ng panibagong simula.
Isang araw na naman.
Isang hamon.
Isang mahabang paglalakbay,

Madalian lang ito.

IMG_0664.JPG

Nai-post sa Uncategorized | 1 Puna

Paglalakbay ni Blu

2007 139Dumating ako sa Italya noong Disyembre ng 2007 upang gampanan ang iniatas akin na bagong tungkulin. Sa loob ng mga panahong aking inilagi sa bansang ito, nalakbay ko ang mga bansa sa Amerika (hilaga at kanluran), Asya, Europa at Australia.

Sa isang hungkag na katotohan, ito ay isang lakbay na nagbigay sa akin ng mga bagong kaalaman at kamalayan sa pakikisalamuha ko sa mga  iba’t-ibang tao at mga kultura. Mga nakagisnang gawi na aking natuklasan ay siyang naging susi upang balikan muli ang aking pinagmulan. Isang pagbabalangkas na pumukaw sa aking diwang makabayan.

Pero higit sa lahat, ito ang kuwento ng paklalakbay sa aking buhay. Kaniig nito ang misteryo ng tuwa at hapis, ng paghahanap sa aking sarili sa pamamagitan ng mga siwang ng dingding at bintana ng buhay ng mga taong aking nakadaupang-palad.

Hanggang kailan pa kaya ako maglalakbay? Hanggang saang hangganan pa kaya ako ilalakbay ng aking mga paa at kamalayan?

Hindi lahat ng ating lakbayin ay naaabot ng ating mga paa. May mas matining lakbayin na kung saan walang balakid sa paglalakbay. Imahinasyon. Dito pwede kang maglakbay ng libre. Walang bayad at walang hangganan ang pwede mong abutin,

Tara na! Lakbayin natin ang mundo ng imahinasyon. Ang buhay ay isang paglalakbay.
Tanging kamatayan lamang ang maghuhudyat ng wakas nitong taglay.

Nai-post sa biyahe, blu, buhay | 9 mga puna

Tambay Mode

Mahirap, masarap ang buhay tambay.
Nasubukan mo na bang humilata maghapon.
Pagulong-gulong sa himlayan ng walang bukas.

Marami sa atin nais ang ganitong buhay,
Walang alalahanin at mga dalahin.
Astig nga ang tawag dun.
Pagulong-gulong sa himlayan ng walang bukas.

Bakit naman kailangang kumplikado ang buhay
Kung pwede namang simple at hungkag sa kamalayan.
Ako nga nasabi ko na rin ito minsan.
Pagulong-gulong sa himlayan ng walang bukas.

Parang facebook lang madalas
Ang bilis ng palitan ng status
Ang sarap namnamin ang tambayan ng bayan.
Pagulong-gulong sa himlayan ng walang bukas.

Ikaw!
Ako ba?
Bakit meron pa bang iba?
Ikaw nga!
Tantanan mo na ang walang kapararakang
Pagtatambay sa tambayan ng bayan.
Pagulong-gulong sa himlayan ng walang bukas.

Tara na at mamasyal
Sa tambayan ng mga buhay
Dito kahit maghapon at magdamag ang tambayan
Kausap mo naman ay mga nilalang na buhay ang kamalayan.

20130517-180506.jpg

Nai-post sa Uncategorized | Tagged , , | Mag-iwan ng puna

SAYAW SA TAG-ULAN

Mabelyn S. De Dios. Ito ang nakasulat sa application form na hawak-hawak ko. Imposible ito.  Pero habang isa-isa kong binabasa ang mga information, tugmang –tugma ito sa isang kakilala ko matagal nang panahon ang nakakalipas. Hmmm…ang lalim ng aking buntong-hininga habang pinagmamasdan ko ang info sheet na hawak ko. Imposible talaga. Thirty years….thirty long years.

Ferdie! Hoy! Ferdie, halika ka silong ka sa payong ko. Madilim na kalangitan. Unti-unting pumapatak ang ulan. Eh, di nakisilong, kaw ba naman ang tawagin ng crush mo.Magiging choosy pa ba ako? Kilig much talaga. Kabog, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hiyang-hiya nga ako, pakiwari ko dinig na dinig nya ang kalabog ng puso ko. Hmm, ganun pala sya kabango sa malapitan. Winner to! Para akong nanalo sa sweepstakes. Lakad, minsan bumibilis, minsan mahina. Ewan ko ba, wish ko sana mahaba pa ang daan pauwi.

Image

Ano ba yan, pre…takna ka ng tokneneng! Ito ang bulalas ni Angelo. Bestfriend ko since elementary. Wala ka man lang nasabi..e yun na yun oh!..kayo…kayong dalawa lang sa iisang payong, wala ka man lang nasabi? Eh, sa naunahan ako ng kaba eh. Bestfriend naman, opportunity na yun oh, pinalagpas mo pa. Next time, hayaan mo maghahanda na ako.

Next time ba kamo? Wala. Kasi simula na ng summer. Ewan ko ba, buong summer naman na nagningning ang haring araw. Walang ulan, walang sukob-sukob sa payong. Uso ang tuli pag summer, kaya hayun nagkayayaan kaming magpipinsan. Dalawang linggo rin akong natigil sa bahay. Isang araw napadaan si crush ko, Hoy Ferdie, maliligo kami sa ilog, sama ka? Eh, kasi..Anong kasi, halika ka na! Di pwede! Sayang ….hays, sayang talaga! Gabi-gabi di makatulog ng maigi, noong una akala ko dahil sa maalinsangan na panahon, pero ang totoo sa kakaisip kay Maybelyn. Insan,…ano yan? Tanong ni Bert. Yaaks! Tagyawat sa ilong! Ows…umiibig na sya. Sabay halakhak na nang-aalaska! Na conscious tuloy ako. Dumaan pa ang isang araw, waah…pulang-pula na sya at ang laki. Ferdie! Ferdie! Boses ni Maybelyn. Pupunta kami sa ilog, sama ka? Sumagot akong patago. Hindi pwede! Ano , hindi na naman pwede? At bakit nagtatago ka, ha? Basta hindi pwede ngayon.

Mabilis na lumipas ang summer. Umpisa na naman ng tag-ulan. Sa iskul namin kanina pa ako nagmamasid, pawang may hinihintay. Ah, baka absent lang nawari ko. Second, third day…natapos ang linggo walang Maybelyn. Pre,….pre…sambit ni Angelo. Kasi sina Maybelyn lumipat na pala sa Maynila. Parang sasabog ang puso ko sa aking narinig. Di ko alam kung sasabog nga talaga. Pero sa sa pakiwari ko hindi ako makahinga. Patakbo kung tinungo ang kanilang bahay. Kasabay naman noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Lakad, takbo, lakad ulit…sa gitna ng ulan. Di ko antala ang lakas ng ulan. Ni hindi ko napansin ang pag-agos ng aking luha.Wala na akong susukubang payong. Wala na si Maybelyn. Unang ranas ng hapdi dahil sa ngalan ng walang kamuwang-muwang na pag-ibig. Natanong ko lang noon kung bakit may mga bagay na kailangang magtapos na hindi man lamang lubusang nakaniig at samsamin ang tamis nito. Para bagang sayaw na kung saan unti-unti mo nang nasasabayan at  siya naman natatapos ang saliw ng tugtog nito. Ulan! Bakit kung kalian ka pumapatak, sabay namang pumapatak ang luha ng dalamhati.Minsan nasabi ko sa aking sarili sana di ka na lang papatak muli.

Twenty five years old na ako ngayon. Binata pa rin  Correction Single for life. Congratulations, Pare! Ito nga pala misis ko si Anabel, at ang anak naming si Mardel. Say hello to your tito. Ikaw kailan ka naman mag-aasawa? Sabay tawa! Itong besfriend kong si Angelo alaskador pa rin. Ngayon pa! Hindi na noh, sagot ko naman sa kanya. Di ba si Sir Marco, yun…para naman hindi tumanda. Engr.  Mariliza de Guzman, oo ako nga si Isay Santos, De Guzman na ngayon. Salamat po Mang Andres at nakarating kayo. Si Mang Andres dating dyanitor namin sa highschool. Napagod ako sa maghapong iyon. Ang daming bisitang dumating. Mag-aalas otso na ng gabi ng huling umalis ang mga bisitang kamag-anak. Pagkasara ko ng pintuan ay siya namang buhos ng malakas na ulan. Isang kabanata na naman ang muling nabuksan sa landasin ng aking buhay. Kasabay ng pagpatak ng ulan, nasambit ko sa aking sarili, this time around di na luha ng pighati, datapwat merong sense of fulfillment at contentment. Hindi naman pala na sa bawat pagpatak ng ulan kalungkutan ang dala. Kailangan lang sigurong marunong kang makisayaw sa bawat saliw ng  musika nitong dala sa iyong buhay.

Good morning, Sir! I’m Maybelyn S. De Dios. Ferdie? Ferdie delos Santos? Yes, I am Father Ferdie delos Santos. Matagal kaming nag-usap. Pero minsan wala akong nauunawaan sa kanyang sinasabi. . Pilit kung ninanamnam ang halimuyak na hatid ng muling pagtatagpo. Lumilipad ang aking diwa at kaisipan. Ang unang pagsukob sa ulan. Ang bilis ng kabog na aking nararamdaman ng mga panahong iyon. Ang tagyawat sa ilong. Ang alaala ng kahapon, yun ang muling nabuksan at nilakbay ng aking diwa. Ang tagal kitang hinintay at hinanap. Sa mahabang panahon na ginugol ko sa Maynila, nagbakasakali akong isang araw ay makita kitang muli. Bawat tag-ulan. Bawat may magkasintahang magkasukob sa iisang payong, dasal ko parati sa Diyos na sana tayo ang magkasukob.

Father Ferdie?…Ok lang kayo? Hmmm, yes. Pagod lang siguro ako. Miss De Dios, pakiproceed na lang sa HR Department. And by the way, congratulations, magsisimula ka na this school year at our Cebu branch as per your request. Pakikamusta na lang ako sa family mo, at saka …ano nga pala name ng son mo? Ferdie…yun ang name nya…pinangalan  ko yun sa isang taong minsan kung minahal. Hindi ko na naramdaman ang pagpinid ng pintuan ng aking opisina. Malayo ang aking tingin, para bang may hinahanap ako sa nakaraan ng aking buhay.Pilit may binabalikan Saan ba ako nagkulang? Hinanap kita. Parang eksena lang sa pelikula. Pag andon ako sa eksena wala ka, pag nandon ka naman ako naman ang wala. O  sadyang ang tadhana ang syang nagbadya ng ating kapalaran. Bumuhos na naman ang ulan. Malakas na malakas ito. Kasabay nito ang pag-agos ng aking luha. Bakit tuwing umuulan, pinupukaw nito ang mga alaala ng nakaraan? Di ba sya pwedeng umulan na lang na walang sinasagasaang dahilan.

2013. Malayo na ako sa Pilipinas. Bagong assignment, bagong buhay, bagong panimula. Kahit dito sa malayong lugar umuulan pa rin, kasabay ang pagpukaw nito sa mga  alaala ng aking nakaraan. Ngayon ko lang napagtanto: My first love was meant to be my only and last love. Hays! Kilig much?  Nope, this time around, thankful, kasi minsan dumating ang pag-ibig , este ang sinaunang pag-ibig ng buhay ko.. Habang sinusulat ko ito humihigop ako ng mainit na kape sa saliw ng awitin ni Aiza Seguera..entaytol, Anong nangyari sa ating dalawa? Umuulan na naman. Sana naman walang basagan ng trip. Sige na,  bumalik ka na lang bukas Mister Ulan. Please!

Nai-post sa Uncategorized | Tagged , , , | 10 mga puna

Nang magbitiw si Benito

Parang bulalakaw na pumaimbulog
Ang balitang pagbibitiw ni Benito.
Dumungaw na naman ang mga usiserang palaka
Sa lansangan at plasa ng Vaticano.
Di nga’t ba nag trending pa ito sa blogosperyo?

Anong meron, bakit at hinagpis
Mga matang nagtatanong ito ang mga kawangis
Na aking nasaksihan sa aking paggalugad ng mga
Palengke, sakayan at parlor ni ditseng manggugupit!

Bakit? Ano na lang ang sasabihin ng madlang pipol
Sa usaping nagpapintig muli ng damdaming di masupil?
Pati ang bangayan sa pultika ay waring cease fire ang naging ending.
Mga teleserye ay bahagyang naabala ang mga ere,
Dahil sa balitang lumipad ng walang pasabi.

Sari-saring kuro-kuro
Hanggang ngayon ay nasa tweeter
Pati facebook ko inulan ng sangkaterbang likes at mga comment.
Saan mang social media ito ang usapin..
Bakit nga kayang itong si Benito nagpasyang lisanin
Ang tahanang naging kanlungan ng kanyang talino, tapang at giting.

Mga kaibigang sa usaping itong ating narinig
Kayo na ang humatol na matuwid
Tama nga kaya ang pasyang nasambit
Nitong si Benitong ating kinakalabit.

20130211-233227.jpg

20130211-233531.jpg

Nai-post sa Uncategorized | Tagged , | 1 Puna